World Pulse

join-banner-text

What Lessons Have You Learned During This Pandemic



(Tagalog Version)



Nang sumapit ang taong 2020, bawat isa sa atin ay punung-puno ng pag-asa para sa magandang bukas, mga pangarap na matagal nang inaasam at mga lugar na nais mapuntahan. Ngunit nang dumating ang nakakahawang sakit na Covid19 mula sa Wuhan China, tila ninakaw nito ang lahat.



 



Marso 2020 nang ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon o mas kilalang \" Lockdown\". Ito ay nagdulot ng matinding pangamba at takot sa atin... sa akin. Marami ang nawalan ng trabaho at naluging mga negosyo na nagdulot ng matinding depresyon at pag-aalala sa bawat mamamayan. Pag-aalala kung paano mababayaran ang kanilang mga bayarin. Sasapat ba ang naipon na pera para sa susunod na pangaraw-araw na gastusin? Kung tatamaan ba ako o di kaya'y ang aking pamilya ng karamdaman, may pambayad kaya kami sa ospital? Hindi kasi sasapat ang may Philhealth lang. Marami sa atin ang nais matapos agad ang taon na ito dahil puro pagsubok at kalungkutan na lang ang kanilang nararanasan. Dahil sa pangyayaring ito, natutunan ko na:



Una, dapat lagi tayong manalangin at magtiwala ng buong puso sa Panginoon. Alam niya ang lahat ng ating mga problema at saloobin. Hindi niya tayo iiwan at pagkukulangin. Ibigay lang natin sa kanya kung ano yung mga bumabalakid sa atin at Siya na ang bahala sa lahat.



Ang mundo ay bilog. Kung ikaw ngayon ay nalulumbay, magtiwala ka lang sa Diyos na iaangat ka niya. Hindi habang buhay ang pandemya. Manalig ka lang.



Hindi ka nag-iisa sa laban nang pag-aalala at pagkabalisa. Buong mundo ang lumalaban dito.



Ikalawa, Kahit gaano kalaki ang ipon natin sa bangko pero kung walang kita na dumadating, mauubos at mauubos din. Dapat ay may iba rin tayong pinagkukunan ng ating kita. 



Ikatlo, kailangan tayong mag-invest sa ibang kaalaman at kasanayan. Kung sakalaing mawalan ng trabaho, mas malaki ang tsansa na madaling makahanap ng ibang mapapasukan dahil sa karagdagang kadalubhasaan.



 



May dahilan ang bawat pangyayari sa ating buhay. Mga bagay na para ba tayong pinagsarahan ng langit dahil sa walang humpay na pagsubok. Ngunit lagi natin tatandaan na nariyan lagi ang Diyos na handang tumulong at umagapay sa atin. Tawagin mo lang siya kapag nasa gitna ka ng matinding unos ng iyong buhay at tutulungan ka niya sa krisis na iyong pinagdadaanan. Ang kailangan mo lang gawin ay kumapit sa kaniya.

  • Economic Power
  • Environment
  • Health
  • Education
    • South and Central Asia
    Like this story?
    Join World Pulse now to read more inspiring stories and connect with women speaking out across the globe!
    Leave a supportive comment to encourage this author
    Tell your own story
    Explore more stories on topics you care about