World Pulse

join-banner-text

Tahanan



Di ko lubos maisip ang galit ng bagyo at malalaking alon ay kinaya Sa aking paglalayag madaming aral Ang nadala  Na Hindi lamang naging parte ng aking buhay bagkus naging parte na ng aking pagkatao Ngunit alam Kong akoy kailanman ay hindi naging magisa dahil alam Kong Ikaw Ang kasama



Sa mga araw na kailangan ko ng kaibigan Sa mga pagkakataon na wala akong makapitan  Sa mga problemang di ko kayang solusyonan Sa mga umagang takot kong gisingan



Ikaw naging laging karamay Ikaw ang nag iisang di nagdalawang isip na akoy tulongan Ikaw ang nagiisang nakinig at nakakaintidi sa akin Ikaw ang di nagsawang makinig at umintind



Isang tulad mo ang nandiyan Isang amang walang kapantay ang pagmamahal Isang taong kayang magsakripisyo ng sarili nyang buhay Isang dakilang Diyos na anak ang tawag sa tulad kong makasalanan



Ikaw Ang Aking tanging tahanan na uuwian Kaisipan at saloobin na dumadaloy sa pusot isip, Ikaw lang tanging nakakaalam Ang Iyong \"Tahan na\" Ang tanging nagbibigay ng gaan saakin Pakiramdam koy kaya Ang lahat Basta alam Kong ikay nariyan Ikaw lamang nanaisin makasama sa lakbay ng aking buhay Maraming salamat aking Tahanan.



 

  • Leadership
  • Arts & Culture
  • Technology
  • Human Rights
  • First Story
  • South and Central Asia
Like this story?
Join World Pulse now to read more inspiring stories and connect with women speaking out across the globe!
Leave a supportive comment to encourage this author
Tell your own story
Explore more stories on topics you care about