My Mental Health
Jan 7, 2022
story
Ang ating mental health ay isa sa mga bagay na dapat nating pinapahalagahan. Marahil, maraming indibidwal ang hindi pinapansin ang ganitong usapin dahil sa may stigma sa ating lipunan na kapag may mental problem ang isang tao ay kakaibang nilalang siya. Kadalasan ay iniiwasan, pinandidirihan at minamaliit.
Nagsaliksik ako ng mga impormasyon kung paano natin mapapalagaan ang ating emotional health. Narito ang mga sumusunod:
Do What You Love to Do
Kapag masaya at gusto natin ang ating ginagawa, para bang walang kapaguran ang ating trabaho. Hindi natin alintana ang kapaguran sa ating trabaho. Hindi natin napapansin ang pagod at puyat dahil may passion at interest tayo sa ginagawa natin. Dahil dito, ito ay nagiging libangan na lamang sa atin.
Listening to Your All-Time Favorite Songs
Talaga naman na mapapa-indak ka kapag narinig mo ang mga paborito mong mga awitin lalo na yung mga kapanahunan natin. Masasabi mo sa iyong sarili na \" Ang sarap pa lang mabuhay\". Ang madalas na pakikinig ng musika ay nagdudulot ng pagka-relax ng ating utak. Maiisip din natin ang mga masasayang ala-alala ng mga nakaraan. Gumaganda rin ang daloy ng ating dugo kapag naririnig ang mga magagandang tugtugin. At hindi lang yan nakakabawas ng stress at symptoms ng depression. O ano pang hinihintay niyo, patugtugin na ang mga kanta ng kapanahunan natin. Sa aking pananaw ay mas sasaya ang isang tao kapag sinabayan pa ito nang pag-sayaw. Hindi importante kung parehas kaliwa ang paa sa pag-sayaw o matigas ang katawan. Ang mahalaga ay nawawala ang pagkalungkot ng isang tao sa pakikinig ng musika.
Ointments/ Healing Balm
Dahil sarado ang mga spa dahil sa lockdown, minabuti ko na maglaan ng budget para sa mga ointment para sa aking sarili. Kapag ako ay nalulumbay o nakakaramdam nang matinding pagod, tadaaaan nasa tabi ko lang ang mga pampa-relax. Noong wala pang pandemic, madalas akong nasa spa. At ang madalas na sinasabi sa akin ng therapist ay ang pag-suob (Steam). Marami kasi itong health benefits sa ating katawan. May nararamdaman man o wala, dapat nating ugaliin ang pag steam :)
Pagkakaroon ng Mapagkakatiwalaan na Kaibigan
Mahalaga sa isang tao na may napagsasabihan siya ng mga bagay-bagay tungkol sa kanyang pinagdadaanan sa buhay. Yung makakaunawa sa kanya at susuportahan siya sa mga desisyon. Priceless ika nga na magkaroon tayo ng kaibigan na hindi tayo iiwan sa mga panahon na pinagsakluban tayo ng langit at lupa. Kaya kung mayroon kang kaibigan na tunay at totoo, aba eh biyaya yan :)
Mamasyal
Ang makapasyal at makalanghap ng sariwang hangin ay hindi lang nakaka-relax ng utak, ito rin ay isang magandang theraphy sa mga taong may matinding pagkalungkot at pagka-balisa. Huwag na huwag din kakalimutan ang vitamin sea. Tara na at isama ang inyong kaibigan at magtampisaw sa tubig ng dagat.
Sapat na Tulog
Ito ang pinaka-mahalaga sa lahat. Ito yung pagkain ng utak natin. Sa mga taong may pinagdadaanan, ito yung kailangan talaga nila. Ang mga taong may matinding problema sa buhay ay kung hindi kulang sa tulog ay sobra naman sa tulog. Madalas silang nag-ooverthink ng mga bagay-bagay. Kaya kung minsan pati sa panaginip ay dala-dala nila yung problema nila. Wag mag-alala, dahil makatulog lang sila sa tamang oras ay sapat na.
Ang Mental Health ay isang napaka-seryosong problema ng bawat bansa. Hindi dapat ito ipagwalang bahala, Kung nakakaramdam kayo nang matinding kalungkutan dahil sa pandemya, maari ninyong gawin ang aking mga iminungkahi. Lagi niyong tatandaan na sa bawat pag-subok na kinakaharap natin, laging merong liwanag na nag-hihintay sa atin.
- Girl Power
- South and Central Asia
